Tuesday, November 27, 2007

Tangi Kong Ikaw

Hinahanap kita sa buhay ko, kung bakit naging ganito ang pag-ibig ko sayo.
Kung kelan naging seryoso ang pagmamahal na inaalay ko, saka naman komontra ang mga nasa paligid mo.

Napakasakit isipin, na kahit anong ating gawin, mas marami ang komokontra sa pagmamahalan natin. Ano ba ang dapat kong gawin? Ipagpatuloy ko ang pagmamahalan natin o hayaan kitang mawala sakin.

Nais ko sanang ika'y mapasakin, lahat gagawin huwag ka lang mawala sa akin. Ikaw lamang ang nagiisang bituin na nagniningning sa aking paningin. Wala na akong hihilingin, kundi ang nagiisang ika'y mapasakin.